Biyernes, Nobyembre 24, 2017

Ang Magandang Lungsod ng Tuguegarao



Ang Lungsod Tuguegarao ay nag-iisang lungsod sa lalawigan ng Cagayan.
Ang Tuguegarao ay ang kabisera o ang Capital ng Cagayan at ng Rehiyon II, at matatagpuan dito ang Ilog Cagayan.
Ang wikang ginagamit sa Tuguegarao ay Ybanag, Ytawes, Ilocano.




Saint Peter and Paul Parish Church o Saint Peter Metropolitan Cathedral

Ang isa sa pinakamaganda at malaking simbahan sa lungsod ng Tuguegarao. Sa simbahang ito ay marami paring mga Katoliko ang nagsisimba, at kahit na hindi Linggo ay may mga taong pumupunta upang magdasal dito.




San Jacinto Ermita Church

Ang simbahang ito ay malapit lamang sa paaralan ng St. Paul University of The Philippines. Marami ring mga turista ang dumadayo rito sapagkat kahit na may katagalan na ang parokyang ito ay maganda parin ang anyo nito, hindi lamang sa labas kundi pati na rin sa loob ng simbahang ito.





Buntun Bridge


Ang Bridge na ito ay dinaraanan ng mga transportasyong pumupunta sa lugar ng Tuguegarao na galing sa karatig lugar at sa malalayong lugar na dumayo lamang sa lugar ng Tuguegarao. Ang bridge ay maganda at malaki ang pakinabang nito sa ating mga bumabyahe.




Kalesa

Isa sa mga ginagamit na transportasyon sa lungsod ng Tuguegarao. Ang kalesa ay maganda at maingat na pwedeng sakyan sapagkat kahit na ito'y hindi gaano mabilis tumakbo ikaw ay makakarating ng ligtas sa iyong patutunguhan.


Tricycle

Ang isa rin sa mga transportasyong ginagamit sa lungsod ng Tuguegarao. Marami ang ganitong uri ng transportasyon sa lungsod ng Tuguegarao.












Ang Hotel Delfino

Ang Hotel na ito ay matatagpuan sa plaza kung saan ay malapit sa palengke at sa mga fastfood chain. Malaki at maganda ang Hotel na ito.



Ang Hotel Roma

Isa rin ang Hotel na ito sa pinakamaganda at malaking Hotel sa lungsod. Katulad ng Hotel Delfino ito rin ay malapit sa palengke at mga kainan.









Ito ang ilan sa mga magandang lugar sa lungsod ng Tuguegarao.
















Ang Magandang Lungsod ng Tuguegarao

Ang  Lungsod Tuguegarao  ay nag-iisang lungsod  sa lalawigan ng Cagayan. Ang Tuguegarao ay ang kabisera o ang Capital ng Cagayan at ng...